Totoong magulo ang mundo. Totoong ang buhay ay puno ng problema. Hindi ko alam ang sitwasyon mo at hindi mo rin alam ang sitwasyon ko. Hindi ko alam ang mga problema mo at hindi mo din alam ang akin. Pero meron tayong Diyos na hindi lamang alam ang ating mga problema, nasa Kanya din ang Solusyon.
Kilala ka Niya (kilalang kilala, ayaw mo maniwala?), at ngayon, ang nais Niya'y makilala mo din Siya, at makilala mo Siya nang tama.
Maaaring maitanong mo: "Kung totoong merong Diyos, bakit ang dami pa ring kabulukan sa mundo? Kawalan ng hustisya, paghihirap, pang-aapi, atbp. Hindi na bago sa tainga ng Diyos ang mga katanungang 'yan. Ngunit kapatid. . .
- Kung walang paghihirap, pa'no natin malalaman ang Kanyang Kapahingahan?
- Kung walang sakit, bakit natin hahanapin ang Kanyang Pagpapagaling?
- At Kung wala tayong mga pangangailangan, pa'no natin malalamang Siya ang Dakilang Tagapagbigay?
Hindi tayo tinawag ng Diyos upang intindihin ang lahat ng bagay (mababaliw tayo 'pag sinubukan nating intindihin at hanapan ng dahilan ang lahat), ang hinihingi lamang Niya sa 'tin ay ang ating pagtitiwala sa Kanya.
Kung nais mo Siyang makilala at nais mong magsimula ng isang bagong relasyon sa Kanya, ipanalangin mo ang panalangin sa dulo dulo ng mensaheng ito.
Kapatid, hindi relihiyon ang iniaalay ko sa 'yo ngayon, kundi - isang relasyon sa Diyos. Hindi po natin mabibili ng ating mabubuting gawa ang awa ng Diyos, bagkus - ang awa po ng Diyos ang magtutulak sa 'tin na gumawa ng mabuti (gets?)
Kahit ano pa ang nakaraan natin at kahit gaano pa kalaki ang mga kasalanang nagawa natin, walang imposible sa Kanya upang tayo'y patawarin at baguhin, kung payag tayo.
"Walang sinumang lumapit sa Akin ang aking
itataboy."
- Juan 6:37
"Kung ating isusuko sa Kanya ang ating mga kasalanan,
Siya'y Matuwid at Mapagpatawad at tayo'y Kanyang papatawarin at lilinisin mula
sa lahat ng karumihan."
- 1 Juan 1:9Imperpekto ang mundo, pero pakiusap ko lang, 'wag naman sanang maging hadlang ang imperpektong mundong ito sa pagtawag mo sa ating Perpektong Diyos. Kaya kung handa ka na, tayo'y manalangin:
Panginoong Diyos, lumalapit po ako sa Iyo sa Pangalang ng Iyong Anak na si Hesus. Akin pong inaamin ngayon na ako'y makasalanan, at na hindi ko kayang iligtas ang aking sarili. Tinatanggap ko po ang Iyong kapatawaran at ang Iyong Pagmamahal.
Pumasok Ka po sa aking puso ngayon at simula ngayon, Ikaw ang maging Tagapag-direkta ng aking buhay. Masaya ko pong isinusuko ang lahat sa 'Yo at dalangin ko po na araw-araw, baguhin Mo ko sa pamamagitan ng Iyong Salita. . .AMEN
Kung ipinanalangin nio po ang panalanging ito mula sa inyong puso, binabati ko po kayo! dahil hindi lamang dininig ng Diyos ang inyong panalangin, Kanya na rin itong sinagot. (Jeremiah 33:3).
Kung meron po kayong mga katanungan, nais naming makarinig mula sa inyo, mag e-mail sa: kz_rem10@yahoo.com o kontakin ang mga sumusunod na numero:
0916-511-4617; 0929-734-1161; 709-0853 (tel-metro manila lamang)
Pagpalain ka Ni Lord!
:-)